Martes, Enero 20, 2015

                                          MGA TANAWIN SA PILIPINAS

Bulkang Mayon
Resulta ng larawan para sa bulkang mayon
Mga impormasyon
Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]
Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcona o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.

Chocolate Hills
Resulta ng larawan para sa chocolate hills
MGA IMPORMASYON
Ang mga Tsokolateng Burol (InglesChocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa BoholPilipinas.[1]Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi).[2] Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.[3]

Puerto Prinsesa Underground River
Resulta ng larawan para sa puerto princesa underground river
MGA IMPORMASYON
Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto PrincesaPambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa (InglesPuerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa PalawanPilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga nglungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.ito ngayon ay kabilang sa seven woders of wolrd

Banaue Rice Terraces
Resulta ng larawan para sa banaue rice terraces
MGA IMPORMASYON
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Ingles: Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugaosa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo".[1][2][3][4][5]Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.
Pinaniniwalaang gawa lamang ang mga mga palayang ito sa kaunting kagamitan at karamihang gawa na gamit ang mga kamay. Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro (5000 ft) sa itaas ng dagat at sumasakop ng lugar na may laking 10,360 kilometro kuadrado (mahigit kumulang sa 4000 milya kuadrado) ng gilid ngbundok. Pinapatubig ito sa pamamagitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo hakbang, papalibot ito sa kalahati ng mundo.
Bahagi ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ng Mga Hagdan-hagdang Palayan ng Cordillera, isang sinaunang gawang taong estruktura na umaabot mahigit kumulang sa 2,000 hanggang sa 6,000 taong gulang. Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng ApayaoBenguetLalawigang Bulubundukin at Ifugao, at isang Pook na Pamanang Pandaigdig ngUNESCO.

Bulkang Taal
Resulta ng larawan para sa taal volcano
MGA IMPORMASYON
Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkang, na nasa Lawa ng Taal sa BatangasPilipinas.[1] Ang Bulkang Taal ay mayroong taas na 984 na mga talampakan o 300 mga metro, na naglalaman ng isang maliit na bunganga o crater na pinangalanangLawang Dilaw. Sumabog ang bulkan nang 25 mga ulit magmula noong 1572, at ang pinaka kamakailan ay noong 1970.[2]

Bulkang Pinatubo
Resulta ng larawan para sa mount pinatubo
MGA IMPORMASYON
Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng ZambalesTarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat angerosyon. Makapal ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok nang sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.
Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-16 ng Hulyo taong 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik, ang syudad nang Angeles ang sumalo nang galit nang bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay nang abacan atbp. ang Porac pampanga sa pangangaaga nang dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay nang Mancatian,lumikha nang isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo nuong 15 Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 Kilometro at 10 kilometro ang lapad nang pagsabog

Mt. Apo
Resulta ng larawan para sa bundok apo
MGA IMPORMASYON
Ang Bundok Apo ay isang bundok na nasa Davao sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.
Noong Mayo 9, 1936, idineklara ni pangulong Manuel L. Quezon na Pambansang Liwasan.

Tubbataha Reef
Resulta ng larawan para sa tubbataha reef
MGA IMPORMASYON
Ang Bahurang TubbatahaHapilang Tubbataha o Batuharang Tubbataha ay isang pulong batuharang na binubuo ng mga kuralbatong-bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha (Tubbataha Reef National Marine Park). Naging nominado ito para sa pagiging "bagong pitong kahanga-hanga sa kalikasan."

San Agustin Church
Resulta ng larawan para sa san agustin church intramuros manila
MGA IMPORMASYON

Ang kasalukuyang istraktura ay aktwal na ang ikatlong Augustinian simbahan erected sa site. [3] Ang unang San Agustin Church ay ang unang relihiyon istraktura na binuo sa pamamagitan ng mga Espanyol sa isla ng Luzon. [4] Ginawa ng kawayan at Nipa, ito ay nakumpleto sa 1571, ngunit nawasak sa pamamagitan ng apoy sa Disyembre, 1574 sa panahon ng tinangkang panghihimasok sa Manila sa pamamagitan ng mga puwersa ng Limahong. [5] [6] ang pangalawang simbahan na gawa sa kahoy ay itinayo sa site. [6] ito ay nawasak sa Pebrero 1583, sa isang sunog na nagsimula kapag magtakda ng kandila nasusunog ang drapes ng libing kabaong sa panahon ng libing ng Espanyol Gobernador-Heneral Gonzalo Ronquillo de Peñaloza. [5]

Boracay
Resulta ng larawan para sa boracay
MGA IMPORMASYON
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.
Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista.Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong 'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo.Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas mapino at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.

Maria Cristina falls
Resulta ng larawan para sa maria cristina falls
MGA IMPORMASYON
Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.[1]Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon .[2] Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina, Ditucalan, at Buru-un.[2]Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon[3]ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng Plantang Hidroelektriko ng Agus VI.[4]

Pagsanjan falls
MGA IMPORMASYON
Ang Talon ng Pagsanjan, na nakikilala rin bilang Talon ng Magdapio, ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan.[1][2] Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894.[3] Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).[4]

Hundred Islands
Resulta ng larawan para sa hundred islands
MGA IMPORMASYON
Ang Hundred Islands National Park[1] (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng AlaminosPangasinanPilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.[2]Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.[3]

Rizal Park
Resulta ng larawan para sa rizal park
MGA IMPORMASYON
Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng MaynilaPilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 301896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ngHimagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita

Vigan City
Resulta ng larawan para sa vigan city
MGA IMPORMASYON
Ang Lungsod ng Vigan ay isang lungsod sa lalawigan ng Ilocos SurPilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 47,246 katao sa <household> kabahayan.Dito mo rin mahahanap ang Century Old Houses.
Nanirahan si Elpidio Quirino, ang ika-6 na pangulo ng Pilipinas, sa Vigan.

BLOG IN FILIPINO
Groups
Buenjamelle M Matienzo
Godwin L Mercado
Vincent Abesamis
Cyrille Rios
Lenard Cajucom
Kent Calub

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento