MGA TANAWIN SA PILIPINAS
Bulkang Mayon
Mga impormasyon
Chocolate Hills
MGA IMPORMASYON
Ang mga Tsokolateng Burol (
Ingles:
Chocolate Hills), o ang mga "
karamelo", ay isang anyong lupa sa
Bohol,
Pilipinas.
[1]Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi).
[2] Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.
[3]
Puerto Prinsesa Underground River
MGA IMPORMASYON
Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa, Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa (Ingles: Puerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga nglungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.ito ngayon ay kabilang sa seven woders of wolrd
Banaue Rice Terraces
MGA IMPORMASYON
Pinaniniwalaang gawa lamang ang mga mga palayang ito sa kaunting kagamitan at karamihang gawa na gamit ang mga
kamay. Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro (5000 ft) sa itaas ng
dagat at sumasakop ng lugar na may laking 10,360
kilometro kuadrado (mahigit kumulang sa 4000 milya kuadrado) ng gilid ng
bundok. Pinapatubig ito sa pamamagitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo hakbang, papalibot ito sa kalahati ng
mundo.
Bahagi ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ng Mga Hagdan-hagdang Palayan ng Cordillera, isang sinaunang gawang taong estruktura na umaabot mahigit kumulang sa 2,000 hanggang sa 6,000 taong gulang. Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng
Apayao,
Benguet,
Lalawigang Bulubundukin at
Ifugao, at isang Pook na Pamanang Pandaigdig ng
UNESCO.
Bulkang Taal
MGA IMPORMASYON
Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkang, na nasa Lawa ng Taal sa Batangas, Pilipinas.[1] Ang Bulkang Taal ay mayroong taas na 984 na mga talampakan o 300 mga metro, na naglalaman ng isang maliit na bunganga o crater na pinangalanangLawang Dilaw. Sumabog ang bulkan nang 25 mga ulit magmula noong 1572, at ang pinaka kamakailan ay noong 1970.[2]
Bulkang Pinatubo
MGA IMPORMASYON
Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong
bulkan sa pulo ng
Luzon sa
Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng
Zambales,
Tarlac, at
Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang
erosyon. Makapal ang
gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong
Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok nang sinakop ng mga
Kastila ang Pilipinas noong 1565.
Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-16 ng Hulyo taong 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik, ang syudad nang Angeles ang sumalo nang galit nang bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay nang abacan atbp. ang Porac pampanga sa pangangaaga nang dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay nang Mancatian,lumikha nang isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo nuong 15 Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 Kilometro at 10 kilometro ang lapad nang pagsabog
Mt. Apo
MGA IMPORMASYON
Ang Bundok Apo ay isang bundok na nasa Davao sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.
Tubbataha Reef
MGA IMPORMASYON
Ang Bahurang Tubbataha, Hapilang Tubbataha o Batuharang Tubbataha ay isang pulong batuharang na binubuo ng mga kuralo batong-bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha (Tubbataha Reef National Marine Park). Naging nominado ito para sa pagiging "bagong pitong kahanga-hanga sa kalikasan."
San Agustin Church
MGA IMPORMASYON
Ang kasalukuyang istraktura ay aktwal na ang ikatlong Augustinian simbahan erected sa site. [3] Ang unang San Agustin Church ay ang unang relihiyon istraktura na binuo sa pamamagitan ng mga Espanyol sa isla ng Luzon. [4] Ginawa ng kawayan at Nipa, ito ay nakumpleto sa 1571, ngunit nawasak sa pamamagitan ng apoy sa Disyembre, 1574 sa panahon ng tinangkang panghihimasok sa Manila sa pamamagitan ng mga puwersa ng Limahong. [5] [6] ang pangalawang simbahan na gawa sa kahoy ay itinayo sa site. [6] ito ay nawasak sa Pebrero 1583, sa isang sunog na nagsimula kapag magtakda ng kandila nasusunog ang drapes ng libing kabaong sa panahon ng libing ng Espanyol Gobernador-Heneral Gonzalo Ronquillo de Peñaloza. [5]
Boracay
MGA IMPORMASYON
Ang Boracay ay isang tropikal na
pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng
Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng
Panay sa Silangang
Visayas sa
Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga
turista sa bansa.binubuo ang pulo ng mga
barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng
bayan ng
Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng
Aklan.
Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista.Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong 'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo.Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas mapino at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.
Maria Cristina falls
MGA IMPORMASYON
Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.[1]Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon .[2] Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina, Ditucalan, at Buru-un.[2]Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon[3]ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng Plantang Hidroelektriko ng Agus VI.[4]
Pagsanjan falls
MGA IMPORMASYON
Ang Talon ng Pagsanjan, na nakikilala rin bilang Talon ng Magdapio, ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan.[1][2] Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894.[3] Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).[4]
Hundred Islands
MGA IMPORMASYON
Ang Hundred Islands National Park
[1] (Pangasinan:
Kapulo-puloan o kaya
Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap,
Lungsod ng Alaminos,
Pangasinan,
Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.
[2]Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.[3]
Rizal Park
MGA IMPORMASYON
Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ngHimagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita
Vigan City
MGA IMPORMASYON
Ang
Lungsod ng Vigan ay isang
lungsod sa
lalawigan ng
Ilocos Sur,
Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 47,246 katao sa
<household> kabahayan.Dito mo rin mahahanap ang Century Old Houses.
BLOG IN FILIPINO
Groups
Buenjamelle M Matienzo
Godwin L Mercado
Vincent Abesamis
Cyrille Rios
Lenard Cajucom
Kent Calub